March 11, 2026
𝐁𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐢𝐬 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢!
Ngayong Marso 11, 2026, bumisita ang ilang CSO Academians mula sa Pasig City CSO Academy para sa isang maikling oryentasyon tungkol sa papel ng kooperatiba. Humarap sa kanila sina G. John Troy Sunga, Officer-in-Charge ng Pasig City Cooperative Development Office (CDO), at G. Nathaniel Andre I. Cadampog, at ipinaliwanag kung paano nakakatulong ang kooperatiba sa bawat miyembro at sa mas malawak na aspeto ng buhay — mula sa personal na pag-unlad hanggang sa negosyo at serbisyong panlipunan.
Tinalakay ang mga pangunahing benepisyo ng pagiging miyembro katulad ng sama-samang pag-unlad, access sa murang pautang at savings, pantay na boses sa desisyon, at kaalaman sa pamamahala at negosyo. Bukod dito, nakakatulong ang kooperatiba sa paglikha ng trabaho, negosyo, at iba pang proyekto para sa kapakinabangan ng lahat.
Tulad ng sinabi ni G. Sunga, ang pagiging miyembro ay boluntaryo — isang bukas na oportunidad para makibahagi sa pagtutulungan at pag-unlad ng bawat isa.