April 12, 2026
𝐏𝐫𝐞-𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐧𝐚𝐫: 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐮𝐡𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐄𝐮𝐬𝐞𝐛𝐢𝐨 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐀𝐫𝐞𝐧𝐝𝐚 𝐓𝐎𝐃𝐀!
Noong ika-12 ng Abril 2026, bumaba sa komunidad ang mga kinatawan ng Cooperative Development Authority (CDA) sa pangunguna ni G. Arnel Cruz, Cooperative Development Specialist II, kasama ang Pasig City Cooperative Development Office (CDO) na kinatawan ni G. Nathaniel Andre I. Cadampog, katuwang sina G. Zymoun Delos Reyes at G. Noel P. Igcol.
Isinagawa nila ang Pre-Registration Seminar (PRS) para sa Pinagbuhatan Eusebio Avenue Arenda TODA — isang mahalagang hakbang tungo sa mas organisado, mas matatag, at mas progresibong samahan.
Naging katuwang din sa aktibidad ang mga Pasig City CSO Academy Students, na aktibong sumuporta sa daloy ng programa. Nagbigay naman ng mensahe ng suporta si City Councilor Paul Senogat na nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok na ipagpatuloy ang pagkakaisa at pag-unlad sa pamamagitan ng kooperatiba.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, unti-unting naitataguyod ang mas inklusibo at napapanatiling sektor ng transportasyon — kung saan ang bawat miyembro ay may boses, kaalaman, at kakayahang umangat.