๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐ค๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐ โ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐ญ ๐ง๐ ๐ง๐๐ข๐ฌ ๐ฆ๐๐ค๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐ข!
Ngayong Marso 11, 2026, bumisita ang ilang CSO Academians mula sa Pasig City CSO Academy para sa isang maikling oryentasyon tungkol sa papel ng kooperatiba. Humarap sa kanila sina G. John Troy Sunga, Officer-in-Charge ng Pasig City Cooperative Development Office (CDO), at G. Nathaniel Andre I. Cadampog, at ipinaliwanag kung paano nakakatulong ang kooperatiba sa bawat miyembro at sa mas malawak na aspeto ng buhay โ mula sa personal na pag-unlad hanggang sa negosyo at serbisyong panlipunan.
Tinalakay ang mga pangunahing benepisyo ng pagiging miyembro katulad ng sama-samang pag-unlad, access sa murang pautang at savings, pantay na boses sa desisyon, at kaalaman sa pamamahala at negosyo. Bukod dito, nakakatulong ang kooperatiba sa paglikha ng trabaho, negosyo, at iba pang proyekto para sa kapakinabangan ng lahat.
Tulad ng sinabi ni G. Sunga, ang pagiging miyembro ay boluntaryo isang bukas na oportunidad para makibahagi sa pagtutulungan at pag-unlad ng bawat isa.